ESTADO NG BULKANG MAYON, POSIBLENG ILAGAY SA ALERT LEVEL
4
Ni Sam Zaulda
May posibilidad na maaaring itaas sa Alert Level 4 ang
estado ng bulkang Mayon matapos itong makitaan ng crater glow sa bunganga nito.
Ipinahayag ni PHIVOLCS Director Dr. Teresito Bacolcol na hindi
pa naman umano nakakapinsala ang nangyayaring pagsabog ng bulkan dahil hanggang
sa summit o bunganga lamang ito.
Anito, hinihintay pa ang pagtaas ng carbon dioxide bago
pagdesisyunan ang pagbago sa alerto.
Naging senyales rin aniya ang nakitang bagong summit lava
dome sa bunganga ng Mayon na maitaas ang Alert Level status ng naturang bulkan.
Samantala, inabisuhan ng PHIVOLCS na agad mailikas sa
ligtas na lugar ang mga residenteng nakatira malapit sa danger zone dahil sa
posibleng pagluwa ng abo, bato at lava mula sa bulkan.

0 Comments