BABAENG ECUADORIAN NA NABUHAY MULI, TULUYAN NANG PUMANAW
Ni Sam Zaulda
Tuluyan na ngang binawian ng buhay ang babaeng nadiskubreng
buhay pa sa loob ng kaniyang kabaong habang ito’y pinaglalamayan sa Quito,
Ecuador.
Kinilala ang ginang na si Bella Montoya, 76-anyos na
taga-Ecuador.
Kung matatandaan, naging viral sa social media ang isang
video nito kung saan ito’y agad na ni-rescue matapos nadiskubreng buhay pa
habang nasa loob ng kanyang ataul.
Bagama’t inanunsyo ng anak nitong si Gilber Rodolfo Balberán
Montoya ang kanyang pagkamatay matapos itong sumailalim sa cardiorespiratory arrest.
Ngunit, ikinagulat na lamang umano ng ilang mga kaanak
nito ang biglang pagkalabog ng ataul na isang senyales na ito’y buhay pa.
Hindi naman nagtagal ay sinabi ng Health Ministry ang
tuluyan ng pagpanaw ng ginang dahil sa sakit na stroke.
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De
Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave.
Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag
kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments