BABAENG ECUADORIAN, MULING NABUHAY MATAPOS IDINEKLARANG PATAY

 


BABAENG ECUADORIAN, MULING NABUHAY MATAPOS IDINEKLARANG PATAY

Ni Sam Zaulda

Isinasailalim na sa imbestigasyon ang nangyari sa isang babaeng Ecuadorian na umano’y buhay pa habang ito’y nakasilid sa kanyang kabaong.

Nakilala ang babae na si Bella Montoya, 76-anyos ng bansang Ecuador.

Sa isang ulat, idineklarang patay na si Montoya ng kanyang anak na si Gilber Rodolfo Balberán Montoya matapos tumigil sa pagtibok ang puso nito o ang cardiorespiratory arrest.

Ikinalungkot naman ng pamilya Montoya ang sinapit nito ngunit laking gulat na lamang nila ng bigla na lamang kinalabog ng 76-anyos ang kabaong nito.

Batay sa nag-viral na video, makikitang agad na nirespondehan si Montoya na mailabas sa loob ng kabaong matapos itong makulong sa loob ng mahigit apat na oras.

Ikinagulat naman ng netizen ang nangyari kay Montoya na maituturing na isang himala.  

Sa ngayon ay kasalukuyan nang nagpapagaling sa ICU ang 76-anyos na babaeng Ecuadorian.



Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#MIGHTYCEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refendor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog