Binigyang pansin ng bagong OIC provincial director ng Aklan Police Provincial Office ang mataas na bilang ng mga nangyayaring aksidente sa probinsya.
Sa isinagawang press conference, sinabi ni PCOL Victorino
Romanillos Jr., na ito ang kauna-unahang pagkakataon na uupo siya sa pwesto
bilang provincial director.
Aniya, isa itong hamon para sa kanya lalo na’t dagsa ang
turista sa isla ng Boracay kasabay ng pagtanggal ng restriction.
Dagdag pa ni COL Romanillos, malaki ang tungkulin ng
kapulisan sa pagpapanatili ng peace and order at security sa buong probinsya ng
Aklan.
Samantala, ikinatuwa rin nito ang pagiging matiwasay ng
probinsya gayundin ang pagkakaroon ng mababang crime incident.
|Jurry Lie Vicente
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De
Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave.
Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag
kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments