Patuloy na ang paghahanda ng
Pilipinas sa pagdating ng super typhoon ngunit inaasahang hindi ito
magla-landfall at pananatiliin nito ang malalakas na pagbuhos ng ulan dulot ng
habagat.
Bagama’t ibinaba ng PAGASA
sa Typhoon category ang tropical storm na Mawar mula sa Super Typhoon ay inaasahan
pa rin na muli itong ibalik sa super typhoon sa Mayo 25, araw ng Huwebes.
Ayon sa PAGASA, huling
namataan ang bagyo sa 2,305 kilometers east ng Visayas at kumikilos ito sa pahilaga
hilagang-kanluran sa bilis na 10 kilometers kada oras ngayong araw ng
Miyerkules.
Sinabi pa ng PAGASA na papangalanang
Betty ang bagyo na inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility
(PAR) sa Biyernes ng gabi o umaga ng Sabado.
Dahil dito, inabisuhan ng
PAGASA ang publiko na tumutok sa pinakabagong updates ukol bagyong Mawar lalo
na’t maaari itong magbago.
Samantala, posible ding magdeklara
ang ahensya ng opisyal na pagsisimula ng tag-ulan sa mga susunod na araw.
|SAM ZAULDA
Ang balitang ito ay hatid sa
inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga
botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa
Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod –
tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments