Binigyang pansin ni SB Member Ronald Marte na malaking
tulong ang pagkakaroon ng Special Weapon Action Tactics (SWAT) sa bayan ng
Kalibo.
Ito ang inihayag ni SB Marte, sa panayam ng Radyo Bandera
Sweet FM Kalibo.
Aniya, matagal ng pangarap ni Kalibo Mayor Juris Sucro na
magkaroon ng SWAT sa kabiserang bayan sapagkat magiging lungsod din ito sa
hinaharap.
Dagdag pa ni SB Marte, meron ding international airport
ang Kalibo at maraming airline na pumapasok para sa international flight.
Bukod dito, marami rin aniyang negosyo at bangko ang
pumapasok dito.
Sa katunayan, kailangan aniya ng SWAT team para matiyak
ang kaligtasan ng mga negosyante gayundin ang mga turista.
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De
Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave.
Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag
kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments