WEATHER UPDATE | Makakaapekto
sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao ang Southwesterly
Windflow habang ang frontal system naman ay labis na maaapektuhan ang Northern
Luzon ngayong araw ng Miyerkules.
Ayon sa Philippine
Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA),
patuloy ang kanilang isinasagawang monitoring sa namataang bagyo sa labas ng
Philippine Area of Responsibility (PAR).
Kaninang 3:00 ng madaling
araw, tinatayang na 2,215 kilometers east ng Visayas ang lokasyon ng bagyong
Mawar at napanatili nito ang lakas ng hangin na 185 kilometers per hour malapit
sa gitna na may pagbugsong aabot sa 230 kilometro bawat oras at mabagal na
kumikilos pahilagang-kanluran.
Dahil dito, inaasahan ang
maulap na kalangitan na may pag-ulan dulot ng frontal system sa rehiyon ng
Batanes at Babuyan Islands.
Makakaranas rin ng
kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog ang Zamboanga Peninsula, BARMM, at Palawan
dahil sa southwesterly windflow.
Samantala, ang Metro Manila
at nalalabing mga lugar sa bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap na
kalangitan na may hiwa-hiwalay na pagbuhos ng ulan o pagkulog sanhi ng southwesterly
windflow at localized thunderstorms.
via PAGASA
|Sam Zaulda
Ang balitang ito ay hatid sa
inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga
botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa
Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod –
tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments