Matapos ang mahigit 12 taon,
opisyal nang kinumpirma ng dalawang celebrity couple ang kanilang relasyon.
Sa isang ulat, personal nang
ibinunyag nina Julia Montes at Coco Martin ang kanilang estado ng relasyon nang
ito’y parehong maispatan na dumalo sa watch party ng upcoming series na “Unbreak
My Heart” na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.
Pahayag ni Coco Martin na
hindi na umano sila mga bata pati ninanais din nilang dalawa na maging pribado
at malayo sa isyu ang kanilang relasyon.
Pag-aamin pa ni Martin na 12
taon na silang nagsasama ni Julia Montes kung saan 31-anyos ito at 17-anyos
naman si Julia.
Magugunita, unang nagsama
ang tambalan nina Coco at Julia sa kanilang teleserye na “Walang Hanggan”
hanggang sa nabigyan ito ng pagkakataong makapag-debut sa big screen sa
kanilang Valentine’s Special noong 2013 na “A Moment In Time”.
|Sam Zaulda
Ang balitang ito ay hatid sa
inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga
botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa
Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod –
tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments