Ni Teresa Iguid
Pinag-uusapan ngayon ang muling pagpapatupad ng road clearing operation sa bayan ng Kalibo.
Ito ang sinabi ni Hon. Ronald Marte, Committee Chairman ng peace and order sa panayam dito,kung saan ito aniya ay matapos magpatawag ng pagpupulong si Kalibo Mayor Juris Sucro.
Dito ay pinag-usapan ang ilan sa mga problema tulad ng mga sidewalk vendor, illegal paking at iba pang mga nagiging dahilan ng trapiko sa nasabing bayan.
Dahil dito, sinabi ni Marte na nakatakda silang magkaroon ng inspeksyun kasama ang mga kinauukulang ahensya upang pag-aralan ang naturang problema.
Samantala, layon naman nitong road clearing operation na ayusin at bigyang solusyon ang mga problema na may kaugnayan sa batas trapiko sa bayan ng Kalibo.
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De
Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave.
Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag
kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments