Ni Teresa Iguid
Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 7584
o No Permit, No Exam Prohibition Act, na layong ipagbawal ang polisiyang ‘no
permit, no exam’ policy sa mga pribadong elementarya at high school sa bansa.
Ito ay matapos na makakuha ng botong 259-0 sa Kamara ang
nasabing house bill.
Mababatid na nakapaloob sa panukala na bibigyan ng
pagkakataon ang mga estudyante sa pribadong paaralan na kumuha ng mga
pagsusulit sa kabila ng hindi pa nababayarang school fees kapalit naman ng
pangako ng mga magulang o o guardian na magbabayad ito sa itinakdang panahon.
Habang pinapayagan naman ang mga paaralan na hindi ibigay
ang credentials ng mga estudyante at hindi payagan na makapag-enrol hanggang sa
hindi pa nababayaran ang kulang na bayarin ng mga estudyante.
Samantala ang mga lalabag ay paparusahan ng Department of
Education (DepEd) alinsunod sa Education Act of 1982 at sa Governance of Basic
Education Act of 2001 at ang mga magulang o estudyante na na hindi susunod sa
alituntunin ay maaaring maharap sa kasong administratibo o patawan ng
disciplinary sanction ng paaralan.
Ang bahaging ito ay hatid sa
inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga
botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa
Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod –
tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments