‘LIBRENG
TAHO, LPT NA ANAK KO!’
Upang ipagdiwang ang matagumpay na pagkapasa ng kaniyang
anak na babae sa Licensure Examination for Professional Teachers, nanlibre sila
ng kaniyang asawa ng taho bilang paraan ng kanilang pasasalamat at kasiyahan.
"Nang malaman naming LPT na anak ko, di ko
maipaliwanag kung anong aking nararamdaman dahil sa lahat ng pagsubok sa buhay
na pinagdaanan namin ay nalampasan namin. Wala kaming ibang hangad kung hindi
ang mabigyan ng magandang kinabukasan ang aming mga anak. Dahil sa taho,
napakalaking tulong sa amin. Dito kami kumukuha ng source of income araw-araw.
Kahit kutyain kami na magtataho lang daw kami, hindi namin 'yun pinansin.
Patuloy lang namin ang aming nasimulan,” caption ng inang si Rose Marie.
Napag-alaman na kabilang sa pamilyang magtataho pala
ang bagong LPT na si Rosebel Cielo Torallo.
Kaya dahil sa nasabing negosyo, nakapagtapos ang
kanilang anak na si Rosebel.
"Di ko nalilimutan noon na kami talagang
minamaliit lang kami lagi dahil kami'y walang-wala talaga. Pero hadlang sila sa
amin. Nagsusumikap kami para malampasan ang lahat.
Di kami makapagpapatapos ng mga anak sa pagaaral
dahil nga sa kahirapan namin. Pero hindi hadlang ang lahat kung ito'y
paghihirapan."dagdag pa ni Nanay Rose.
📷 Rose Marie/Facebook
Ang balitang ito ay
hatid sa inyo ng:
Mabibili sa lahat ng
mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center
sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it
minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO
BANDERA!
0 Comments