PAGASA, NAGLABAS NG THUNDERSTORM ADVISORY NGAYONG MAYO 21





WEATHER UPDATE | Naglabas ng thunderstorm advisory ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Linggo, Mayo 21.

Batay sa advisory, makakaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin ang Metro Manila, Bataan at Pampanga sa susunod na dalawang oras.


Habang, kasalukuyan namang nararamdaman ang nasabing lagay ng panahon sa Cavite, Laguna, Batangas, Quezon, Rizal, Bulacan, Nueva Ecija, Zambales, at Tarlac na maaaring magtagal nang hanggang dalawang oras at posibleng makaapekto sa mga kalapit na lugar.

Dahil dito, inabisuhan ang publiko na mag-ingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa sa mga apektadong lugar.

SOURCE | PAGASA

|SAM ZAULDA

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog