Nasa sampung
milyong piso ang inilaang pondo para sa pagpapatayo ng overpass sa Mabini St.,
Kalibo.
Ito ang
inihayag ni Mr. Mark Sy, spokesperson ng office of the Mayor, sa panayam ng
Radyo Bandera Sweet FM Kalibo.
Aniya,
limitado ang pondo para sa konstruksyon ng overpass kung saan nasa P3 million
ang inilaan para sa Phase 1 ng proyekto habang nasa P7 million naman ang para
sa Phase 2.
Dagdag pa ni
Mr. Sy, target na masimulan ang proyekto sa 4th quarter ng 2023.
Kaugnay nito,
isa sa mga dahilan ng pagpapatayo ng overpass ay dahil sa dumaraming sasakyan
na nagdudulot ng traffic lalo na’t ang Mabini St., ay isang national highway.
Layunin din
nitong matulungan ang mga mag-aaral na makaiwas sa aksidente dahil matatagpuan
dito ang Kalibo Pilot Elementary School.
Samantala, ang
proyekto ay dadaan muna sa proseso at konsultasyon ng mga kinauukulang ahensya
upang pag-usapan kung ano ang mga dapat gawin sa naturang lugar.
|Jurry Lie Vicente
Ang
programang ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa
lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness
Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera
it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan,
RADYO BANDERA!
0 Comments