Inaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki na binuksan ang pinto ng eroplano na nakatakda sanang lalapag sa paliparan ng Daegu City, South Korea.
Sa isang ulat, galing ang
eroplano sa Jeju Island at nakatakdang lalapag sa Daegu City, South Korea
ngunit nang inanunsyo ng piloto na lalapag na ito ay ikinagulat ang biglang
pagbukas sa pinto ng lalaking nakaupo sa emergency exit habang ito’y nasa ere
pa.
Hindi naman ito naawat ng
mga crew dahil naka-seatbelt na silang lahat bilang paghahanda sa paglapag ng
eroplano.
Nakatakda namang iimbestigahan
ang lalaki kasunod ng ginawang paglabag sa aviation safety laws pati na ang Asiana
Airlines kung ito’y sumunod sa protocols.
Samantala, nasa 12 pasaherong sakay naman ang nagtamo ng minor injuries dahil sa hyperventilation habang 9 sa kanila ang isinugod ang ospital.
📹Korea Pool/Video Obtained by Yonhap News Television/Daegu Fire Dept.
|Sam Zaulda
Ang balitang ito ay hatid sa
inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga
botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa
Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod –
tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments