Ni Sam Zaulda
Opisyal nang kinoronahan bilang Hari at Reyna ng Britain
si King Charles III at ang asawa nitong si Queen Consort Camilla.
Ginanap ang koronasyon nitong Sabado, Mayo 6 sa
Westminster Abbey, London.
Ang 74-anyos na si King Charles ang panganay na anak nina
Queen Elizabeth II at Prince Philip, Duke ng Edinburgh na pumalit sa trono
bilang British Monarch matapos yumao ang kanyang ina noong Setyembre 8, 2022.
Kinilala ding oldest monarch na nagsuot ng 360-year-old
St Edward’s Crown si King Charles.
Sa kabila nito, naging presente naman sa seremonya ang
tagapagmana ni King Charles na si Prince William kasama ang asawa nitong si
Kate Middleton at kanilang mga anak.
Dinagsa naman ng libo-libong panauhin mula sa iba’t ibang
bansa ang nasabing lugar upang saksihan ang pagkorona sa bagong hari at reyna
ng Britain.
Samantala, nabatid na halos 70 taong namuno bilang reyna
si dating Queen Elizabeth II at itinuturing na Britain’s longest-reigning
monarch.
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De
Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave.
Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag
kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments