Photo Courtesy: Kalibo VM Cynthia Dela Cruz |
Sinisimulan na ng lokal na
pamahalaan ng Kalibo ang paghahanap ng ilang mga solusyon sa matagal na
problemang kinakaharap ng nasabing bayan ukol sa mga baradong kanal.
Kung saan, nagiging dahilan ito
ng pagbaha at pagtaas ng tubig sa mga mababang lugar sa munisipalidad.
Sa panayam ng Radyo Bandera
Kalibo kay Vice Mayor Cynthia Dela Cruz, napansin nito mula sa kanilang pagsusuri
kamakailan na mayroong mga kanal sa ilang barangay sa Kalibo ang barado at walang
maayos na daluyan na nagiging dahilan ng pagtitipon ng tubig sa mga mababang
lugar.
Kung kaya’t sinisimulan na
nila ang paghahanap ng pondo at consultant na makakagawa ng mas epektibong
drainage plan para sa bayan ng Kalibo.
Humihiling naman si Dela
Cruz sa mga residente ng Kalibo na maglaan ng 1-2 meters na agwat ng lote ng
kanilang bahay mula sa kalsada para sa paglalagyan ng kanal.
Samantala, napag-alaman na
kasalukuyang nasa bansang Germany si Kalibo Mayor Juris Sucro upang personal na
tingnan at pag-aralan ang Sewerage Treatment Plant (STP) at flood mitigation
facilities ng naturang bansa.
Photo Courtesy: Kalibo Mayor Juris Sucro in Germany |
|SAM ZAULDA
Ang balitang ito ay hatid sa
inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga
botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa
Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod –
tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments