Ni John Ronald Guarin
Inilabas ng US jury ang desisyon na hindi kinopya ng British pop icon na si Ed Sheeran ang kanta ni Marvin Gaye na “Let’s Get It On” habang ginagawa ang kaniyang 2014 hit na “Thinking Out Loud.”
Ayon sa report ng French Press Agency sa loob ng Manhattan federal courtroom, tumayo si Sheeran at niyakap ang kaniyang team matapos napagdesisyonan ng jurors na ginawa niya mag-isa ang “Thinking Out Loud” na walang intensyon na kopyahin o gawing sampol ang kanta ni Marvin Gaye.
Isinampa ang naturang kaso ng mga tagapagmana ng co-writer ni Gaye na si Ed Townsand kung saan kinuha umano ni Sheeran ang ‘harmonic progressions and rhythmic elements’ sa nasabing kanta ni Gaye na walang paalam.
Balak din ng mga naturang tagapagmana na kunin ang kita mula sa kanta ni Sheeran.
Sa nasabing trial, pinatugtog ni Sheeran ang ilang mga kanta mula sa witness stand bilang pagpapakita ng ebidensya.
Base naman sa pahayag ni Ed Sheeran, siya ang nagsusulat ng lahat ng kaniyang mga kanta at binigyang-diin na siya rin ang gumawa ng “Thinking Out Loud” kasama ang singer-songwriter na si Amy Wadge noong February 2014.
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments