CHRIS HEMSWORTH, MASISILAYAN NA NG MGA FILIPINO FANS NGAYONG HUNYO


 


Kumpirmado nang lilipad ng Pilipinas ang kilalang Hollywood actor na si Chris Hemsworth ngayong Hunyo 5.

Ito ay para personal na daluhan ang premiere ng pelikulang “Extraction 2” kung saan gaganap ang aktor bilang si Tyler Rake.

Sa isang panayam, ipinahayag ni Hemsworth ang pananabik nitong masilayan ang kanyang mga Pinoy fans.

Makakasama ng aktor ang direktor ng pelikula na si Sam Hargave para sa Asia Pacific red carpet premiere sa Manila sa Hunyo 5.

Sa kabila nito, muling magbabalik ang tauhan ni Tyler Rake bilang Australian black ops mercenary matapos malagpasan ang ilang pangyayari sa unang pelikula.

Nakatakdang sasabak ang karakter ni Hemsworth sa isa pang mapanganib na misyon kung saan ililigtas nito ang pamilyang nakakulong mula sa pamamalupit ng Georgian gangster.

Samantala, matutunghayan ang premiere ng “Extraction 2” sa Netflix sa buwan ng Hunyo 16.

|Sam Zaulda

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog