Inaasahan na maglalabas ng panibagong EO si Kalibo Mayor Juris Sucro kaugnay sa mga panuntunan upang mapigil ang patuloy na pagkalat ng nakakamatay na sakit sa baboy na ASF.
Ito ang sinabi ni Municipal Agricultural Officer ng Kalibo Uriel Las Piñas, matapos ang kanilang naging pagpupulong kasama ang lahat ng mga Punong Barangay sa nasabing bayan.
Aniya, sa nasabing pagpupulong napag-usapan na maglalagay ng boarder control sa bawat Barangay sa Kalibo makaraan na muling madagdagan ang bilang mga Barangay na may positibong kaso ng ASF.
Sa ngayon ayon kay Las Piñas, mayroon din na lima pang Barangay sa Kalibo ang isinailalim sa surveillance dahil sa mga naiulat na pagkamatay ng mga baboy.
Kinunan na rin aniya ito ng blood samples at hinihintay na lamang ang resulta.
Samantala, pinawi din ni Las Piñas ang pangamba ng ilan
kaugnay sa mga kumakalat na balita na ipapasara ang slaughterhouse sa Kalibo
bilang bahagi ng kanilang hakbang na malabanan ang nasabing virus. Ipinunto
nito na walang katotohanan ang mga lumalabas na balita dahil katunayan aniya ay
hindi pa ito napag-uusapan ng mga kinauukulan.
Ang balitang ito ay hatid sa
inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga
botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa
Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments