Binigyan ng pagkilala ang bayan ng Malay, Aklan bilang isa sa mga top contributing municipalities ng tourist arrivals sa buong Western Visayas noong nakaraang taon.
Ang award ay iginawad ng Department of Tourism Region VI sa isinagawang 1st Tourism Appreciation Night na may temang "Pagdayaw 2023".
Ayon sa DOT, malaki ang naging papel ng Boracay bilang isang pangunahing tourist destination sa muling pagbangon ng industriya ng turismo sa rehiyon na naapektuhan ng pandemya.
Personal na tinanggap ni Mr. Felix Delos Santos Jr., Chief Tourism Operations Officer ng Malay ang pagkilala nitong May 17 sa Iloilo City.
Matatandaang noong nakaraang taon nagtala ng mahigit 1.7 million na tourist arrivals ang Boracay na pinakamarami kumpara sa ibang lugar sa Western Visayas.
📷 Malay Tourism Office
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga
bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it
Aklan, RADYO BANDERA!

0 Comments