‘BARBIE THE ALBUM’, IPAPALABAS KASABAY ANG PELIKULA NITO SA JULY 21
Ni John Ronald Guarin
Inanunsyo ng Atlantic Records ang inisyal na listahan
ng mga artist para sa soundtrack ng pelikula ni Greta Gerwig na “Barbie,” kung
saan bida rito ang ilan sa mga sikat na pop icons.
Makikita sa lineup ng ‘Barbie the Album’ sina Ice
Spice, Lizzo, Dua Lipa, Charli XCX, Nicki Minaj at ang South Korean girl groupm
na FIFTY FIFTY.
Ibabandera rin ng aktor ng Barbie film na si Ryan
Gosling ang kaniyang talento sa pagkanta dahil kasama rin ito sa nasabing album
lineup.
Sa kabuuan, 17 pa lang na mga kanta pa lang ang nasa initial list ng "Barbie the album."
Ipapalabas ang album kasabay ang grand premiere pelikulang
“Barbie” sa July 21, 2023.
Ang balitang ito ay
hatid sa inyo ng:
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it
minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan,
RADYO BANDERA!
0 Comments