AkOne HAEAMPAKAN: VOLLEYBALL CLINIC 2023, MAGSISIMULA NA


 

Ni Sam Zaulda

Sisimulan na ngayong araw, Mayo 9 hanggang 10, 2023 ang AkOne Haeampakan: Volleyball Clinic 2023 na idadaos sa NVC Gymmnasium.

Ang naturang aktibidad ay naglalayong mas mapabuti ang Sports Coaching at Athletic Training sa probinsya ng Aklan.

Gayundin, maturuan ang mga kabataang atleta na maging handa at globally competitive mula sa mga ibabahaging kaalaman ng mga Professional Athlete and Expert Coach.

Sa kabila nito, magiging keynote speaker sa nasabing aktibidad si Fabio Menta, isang FIVB / International Olympic Committee & Oceania Volleyball instructor ng indoor at beach Volleyball Head coach at AVC beach Volleyball Referee.

Makakasama rin dito si Andre Joseph Pareja, MD, MB, isang Resident Sports Analyst para sa Volleyball ng One Sports at Professional Beach Volleyball player na may National Team experience.

Samantala, magiging libre naman para sa mga atleta at coaches ng Governor's Cup Volleyball ang AkOne HAEAMPAKAN: VOLLEYBALL CLINIC kung saan limitado lamang sa 30 slots ang para sa coaches at 120 slots naman para sa mga atleta.

Narito ang registration link para sa mga interesadong lumahok.

https://forms.gle/yRWnQqpCbqgdSFP79

📷 Aklan Information and Media Affairs Division

Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog