Puspusan ang pagsasanay ng dalawang Pinay na inabot pa ng
ilang upang mapabilang sa 1,500-strong choir para sa papal mass na gaganapin sa
Huwebes mula nang bumisita si Pope Francis sa Singapore.
Kinilala ang dalawang Pinay na sina Filipino hospital
administrator Anna Galarrita at Filipino domestic helper Olga Reyes.
Sila ang nakatakdang magsisilbi bilang communion minister
kasama ang Singaporean engineer Raphael Lau sa misa.
Upang mas matutukan ang kanilang pagsasanay sa kanilang
mga tungkulin sa unang pagbisita ng Papa sa isla ay isinantabi muna nila ang
kanilang trabaho upang makapagsilbi sa Papa.
"It's really a once-in-a-lifetime event for us",
ani ni Lau.
Nakatakdang darating si Pope Francis sa Singapore sa
Miyerkules at mananatili hanggang sa Biyernes para sa kaniyang huling bahagi ng
pinakamahabang biyahe sa kabila ng nararamdaman.
Kasama sa 12-day trip ng Papa ang pagbisita ni sa
Indonesia, Papua New Guinea at East Timor.
Samantala, papangunahan ng Papa ang misa sa Singapore na
inaasahang dadaluhan ng 50,000 na mga indibidwal. Kakatagpuin din nito ang mga
lider ng nasabing bansa gayundin ang elderly home at magsasagawa ng
inter-religious dialogue kasama ang mga Kabataan.
0 Comments