PINAKAMALIIT NA ‘BANSA’ SA BUONG MUNDO, TATLONG TAO LAMANG ANG NAKATIRA

 


PINAKAMALIIT NA ‘BANSA’ SA BUONG MUNDO, TATLONG TAO LAMANG ANG NAKATIRA

 

Kinilala bilang ‘pinakamaliit na bansa’ sa buong mundo na may sukat ang lugar na Principality of Sealand kung saan may sukat itong 4000 square meters

 

Ang naturang lugar ay isang military platform tower sa gitna ng karagatan ng United Kingdom kung saan tatlo lamang na tao ang naninirahan.

 

Unang pinatayo ng mga navy ang Principality of Sealand noong World War II na inabanduna matapos ang naturang giyera.

 

Samantala, nais sanang magpatayo ni Roy Bates ng isang radio station noong 1960s subalit iligal ito dahil isa lamang ang kinikilalang station sa buong United Kingdom.

 

Dahil dito, nagpatulong si Bates sa military platform at doon nagpatayo ng naturang istasyon.

 

Sa kabilang banda, bigla na lamang naisip ni Bates na gawin na lamang na isang bansa ang nasabing tower at tinawag ang sarili bilang prinsipe, kung saan gumawa din siya ng sariling passport, immigration stamp at maging ang currency o pera.

 

Napag-alaman na ang Sealand ay may pitong kwarta, kusina, gym, chapel at pati na kulungan, kung saan isa sa kanila ang nabilanggo sa loob ng tatlong buwan matapos nitong gamitin ang passport ng Sealand na walang permiso.

 

Makikita sa haligi ng platform ang kwarto na maririnig pa ang tunog ng dagat habang sa pamamagitan naman ng solar at wind energy ang pinagkukunan ng kuryente.

 

Dagdag pa nito, hindi naman kinikilala ng UK government bilang bansa ang self-proclaimed na “World's Smallest Country.” | NINEL LUIS DEL PILAR

 

Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

 

👉Maaari ring umorder thru shopee

🛒https://shopee.ph/clinicadealternativomedicina

For More Inquiries Call Us At: 0966-901-9208

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog