HALOS KALAHATING BILYONG PISO, BALAK UTANGIN NG AKLAN PROVINCIAL GOVERNMENT SA LAND BANK OF THE PHILIPPINES






HALOS KALAHATING BILYONG PISO, BALAK UTANGIN NG AKLAN PROVINCIAL GOVERNMENT SA LAND BANK OF THE PHILIPPINES



Halos kalahating bilyong piso ang balak na utangin ng Aklan Provincial Government sa Land Bank of the Philippines upang mapondohan ang iba't-ibang proyekto ng nasabing probinsya.

Sa panayam ng Radyo Bandera news team kay 2nd District board member Jay Tejada, sinabi nito na ngayong araw ay nakatakdang pag-usapan sa pamamagitan ng isang committee hearing ang aabot sa P445, 300,000 na loan proposal ng Probinsya.

Sa nasabing halaga ang 351milyon pesos ay nakatakdang mapunta sa balak na itayong multi story parking building sa loob ng Aklan Provincial Hospital compound, humigit-kumulang P40 million naman para sa limang construction and maintenance equipment at 37 million pesos para sa loan counterpart sa pagpapagawa ng road and bridges sa bayan ng Libacao.

Nilinaw din nito na ang nasabing halaga at mga proyekto ay hindi pa pinal at nakatakda pang pagkasunduan.

Samantala tiwala din aniya ito na mababayaran ng probinsya itong proposed loan sa kabila ng hindi pa natatapos na binabayarang utang sa DBP, dahil mayroon aniyang inilalaan na 20percent development fund para sa mga loan payment ng probinsya.

Ni Teresa Iguid

Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmeña Ave. Kalibo, Aklan.

👉Maaari ring umorder thru shopee
🛒https://shopee.ph/clinicadealternativomedicina

For More Inquiries Call Us At: 0966-901-9208

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog